^

Metro

WPD pumorma vs 'Army' ni Abat

-
Itinaas na ng Western Police District (WPD) ang full red alert status upang labanan ang kinatatakutang paglusob ng "army" ni ret. General Fortunato Abat sa Malacañang na gaganapin ngayon na "National Day of Mourning" at "People’s March" naman sa Sabado.

Sinabi ni WPD Director Pedro Bulaong na madaling-araw pa lang ay nakahanda na ang daan-daang puwersa ng Civil Disturbance Management Unit maging ang mga pulis ng National Capital Region at sundalo buhat sa Armed Forces of the Philippines-National Capital Region.

Mahigpit na ipapatupad umano ang "no permit no rally" partikular na sa mga kalye na nag-uugnay sa Malacañang tulad ng Mendiola ngunit tiniyak nito na pipilitin nila na magpatupad pa rin ng "maximum tolerance" upang hindi sa kanila magmula ang tensiyon sa mga raliyista.

Sinabi ni Bulaong na hindi umano nila papayagan na mamayani ang anarkiya sa batas at kapayapaan.

Agad namang idiniin ni Abat sa isang panayam sa radyo na itutuloy pa rin niya at ng mga kapanalig sa Coalition for National Solidarity ang gagawing pagmamartsa patungo sa Malacañang sa Sabado kahit na arestuhin pa siya.

Hindi umano siya puwedeng takutin ng administrasyon sa pagsasampa ng kasong sedisyon laban sa kanya dahil sa matibay na paninindigan na kailangan nang magkaroon ng bagong pamahalaan para sa kapakanan ng bansa.

Nanawagan naman ito sa pulisya at mga sundalo na manatili lamang sa gitna at huwag sumunod sa mga dikta ng Malacañang na pigilan ang anumang protesta. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES-NATIONAL CAPITAL REGION

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT UNIT

DANILO GARCIA

DIRECTOR PEDRO BULAONG

GENERAL FORTUNATO ABAT

MALACA

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL DAY OF MOURNING

NATIONAL SOLIDARITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with