^

Metro

P2 dagdag pasahe hirit din ng provincial buses

-
Giniit kahapon ng mga provincial buses nationwide na aksiyunan na ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang P2 dagdag na pasahe sa mga ordinary bus na may ruta sa mga lalawigan.

Sa isang panayam, sinabi ni Alex Yague, Pangulo ng Provincial Buses Operators Association of the Philippines (PBOAP) noong nagdaang buwan pa ng Abril nila naisampa ang petisyon sa LTFRB para sa naturang fare increase sa ordinary buses, subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pagkilos hinggil dito ang naturang ahensiya. Dapat anya ay halos panabay nang nadesisyunan ng LTFRB ang fare increase sa ordinary buses sa probinsiya at Metro Manila.

"Metro Manila pa lang ang naaprubahan, hinihintay pa nga namin ang magiging desisyon ng LTFRB sa aming petisyon," dagdag pa ni Yague.

Niliwanag ni Yague na dapat na ring maitaas ang pasahe sa mga ordinary buses partikular na ang bumibiyahe sa mga probinsiya dahil sila man ay apektado ng tumataas na bilihin, maintenance fee, spare parts at mga bayarin sa serbisyo sa LTO at LTFRB bukod sa mataas na toll fee sa araw-araw.

Binanggit pa nito na pinag-uusapan na ng mahigit sa 24 provincial bus operators ang pagtataas naman ng pasahe sa mga airconditioned bus na may ruta sa mga probinsiya.

"Deregulated naman ang mga aircon buses kaya hindi na kailangan ditong magsampa ng petisyon para sa fare increase, pinag-uusapan na namin ang fare increase sa mga aircon bus," pahayag pa ni Yague.

Ang aircon bus sa Metro Manila ay nagtaas na ng P1.00 sa kanilang pasahe mula sa P9.00 at P10.00 na ito ngayon.

Habang ang ordinary bus sa Metro Manila ay tumaas na sa P8.00 mula sa dating P6.00 kasabay nang pagtaas sa pasahe sa mga pampasaherong jeep na P7.50.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni LTFRB Chairman Ma. Elena Bautista na kahit deregulated ang mga airconditioned bus, kailangan pa ring makipag-koordinasyon ang mga operator nito kung magtataas sila ng pasahe. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ABRIL

ALEX YAGUE

BUS

CHAIRMAN MA

ELENA BAUTISTA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

METRO MANILA

PROVINCIAL BUSES OPERATORS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

YAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with