^

Metro

Alex Crissano inireklamo ng pangmomolestiya ng katulong

-
Kasong acts of lasciviousness, grave threats at unjust vexation ang isinampa laban kay dating Ginebra at Fil-Am player na si Alex Crisano sa Quezon City Prosecutor’s Office makaraang ireklamo ng katulong nito sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Sr. Insp. Santiago Pascual, ng Central Police District-Kamuning Police Station, dumulog sa kanila ang biktima na itinago sa pangalang Liza matapos na umano’y molestiyahin at pagbantaan ni Crisano noong Hunyo 15 sa loob ng kanyang bahay sa #1402 Future Port Plaza, Panay Ave., Brgy. South Triangle ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jefferson Tuyo, Hunyo 15 noong magpamasahe ang basketbolista sa biktima sa loob ng kuwarto nito.

Nagulat ang biktima nang bigla siyang yayain ni Crisano na makipag-sex. Tumanggi siya at nanlaban at dito na siya tinutukan ng baril ng suspect.

Nagmamakaawa umano siya sa basketbolista hanggang sa paghahawakan na lamang nito ang maseselang bahagi ng kanyang katawan. Si Crisano ay boyfriend ng TV host at komedyante na si Ethel Booba.

Nakatakas lamang siya noong Hunyo 20 kung kaya’t agad siyang nagharap ng reklamo sa pulisya kasama ang kapatid ni Booba na si Boobita.

Matatandaang nahaharap din sa kasong deportation si Crisano dahil sa pamemeke ng kanyang citizenship at illegal possession of firearms matapos na mahulihan ng 9mm pistol na walang kaukulang papeles. (Ulat ni Doris Franche)

ALEX CRISANO

CENTRAL POLICE DISTRICT-KAMUNING POLICE STATION

CRISANO

DORIS FRANCHE

ETHEL BOOBA

FUTURE PORT PLAZA

HUNYO

JEFFERSON TUYO

PANAY AVE

QUEZON CITY PROSECUTOR

SANTIAGO PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with