Sinampahan ng kasong theft sa Quezon City Prosecutors Office at ngayoy nakakulong ang mga suspect na sina Rafael Gonzales,18, ng Alhambra St. at Stephen Padohinog, 19, ng #43 East Riverside St. kapwa nasasakupan ng San Francisco del Monte, Quezon City.
Batay sa report na tinanggap ni Supt. Raul Petrasanta kay PO3 Joselito Chantengco, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang isagawa ng mga suspect ang pagbabaklas ng side mirror ng kotse ng negosyanteng si Wingard Leonardo, 26, sa #43 Morato St. Brgy. Damayan.
Nakita ito ng isang driver kung kayat agad na humingi ng tulong sa pulisya. Dito ay huling-huli sa akto ang dalawang suspect na inaalis ang side mirror ng Mitsubishi Galant na may plakang CFL-602.
Inaalam din ng pulisya kung ang dalawa ay responsable din sa serye ng pagbabaklas ng side mirror sa kalapit na lugar. (Ulat ni Doris Franche)