^

Metro

2 miyembro ng Baklas Side Mirror Gang, timbog

-
Naaresto ng mga tauhan ng Central Police District-Baler Police Station ang dalawang miyembro ng Baklas Side Mirror Gang matapos na mahuli sa aktong tinatanggal ang side mirror ng isang kotse kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Sinampahan ng kasong theft sa Quezon City Prosecutor’s Office at ngayo’y nakakulong ang mga suspect na sina Rafael Gonzales,18, ng Alhambra St. at Stephen Padohinog, 19, ng #43 East Riverside St. kapwa nasasakupan ng San Francisco del Monte, Quezon City.

Batay sa report na tinanggap ni Supt. Raul Petrasanta kay PO3 Joselito Chantengco, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang isagawa ng mga suspect ang pagbabaklas ng side mirror ng kotse ng negosyanteng si Wingard Leonardo, 26, sa #43 Morato St. Brgy. Damayan.

Nakita ito ng isang driver kung kaya’t agad na humingi ng tulong sa pulisya. Dito ay huling-huli sa akto ang dalawang suspect na inaalis ang side mirror ng Mitsubishi Galant na may plakang CFL-602.

Inaalam din ng pulisya kung ang dalawa ay responsable din sa serye ng pagbabaklas ng side mirror sa kalapit na lugar. (Ulat ni Doris Franche)

ALHAMBRA ST.

BAKLAS SIDE MIRROR GANG

CENTRAL POLICE DISTRICT-BALER POLICE STATION

DORIS FRANCHE

EAST RIVERSIDE ST.

JOSELITO CHANTENGCO

MITSUBISHI GALANT

MORATO ST. BRGY

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with