Sundalo dedo sa pulis, 1 pa kritikal
June 21, 2005 | 12:00am
Patay ang isang Philippine Army (PA) reservist makaraang pagbabarilin ng isang pulis nang magkaroon ng rambulan sa loob ng isang videoke bar kung saan nadamay din ang isang istambay, kamakalawa ng gabi sa Marikina.
Kasalukuyang pinipigil sa himpilan ng Marikina police ang suspect na si PO1 Joel Kadano, miyembro ng Marikina PNP na nakatalaga sa PCP No. 7, Brgy. Concepcion Dos ng nasabing lungsod. Ito ay kakasuhan ng homicide at frustrated homicide matapos mabaril at mapatay si Ryan Caranto, PA reservist, na nagtamo ng isang tama ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril sa tiyan at balikat at matamaan ng ligaw na bala si Richard Tan na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan.
Sa imbestigasyon ni PO3 Glenn Aculana, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-10:10 ng gabi sa Kili Patrick KTV bar na nasa kahabaan ng Farmers 1, Tumana Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.
Nabatid sa saksing si Analyn Roquero, 20, kahera, na dumating sa nasabing bar si Kadano kasama si SPO1 Ernie Aglipay, miyembro rin ng Marikina police na pawang nakainom na at umorder pa ng tig-isang bote ng beer.
Kumuha umano ng GRO si Aglipay subalit tumanggi ang babae dahil naka-table na siya na ikinagalit ng pulis sabay tulak sa GRO.
Tinangka namang umawat ni Kadano subalit siya ang binalingan ng mga pulis na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa magkatulakan at mauwi sa suntukan.
Ilang sandali ay humangos palabas sa bar si Kadano subalit hinabol naman ito ng grupo ng mga PA reservist kaya napilitang magpaputok ito na ikinasawi ni Caranto. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended