^

Metro

4 hinatulan ng habambuhay

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng Manila Ragional Trial Court sa apat na miyembro ng "Dos Pares Gang" matapos na mapatunayang nagkasala ng pagpatay sa isang lalaki walong taon na ang nakararaan sa Sta. Mesa, Maynila.

Bukod sa habambuhay na pagkakakulong, pinagbabayad din ni Judge Myra Garcia Fernandez ang mga akusadong sina Jonathan Dequito, Alex Fernandez, Pablo "Sammy" Arguilles at Ariel Damo ng halagang P134,000 bilang danyos sa pamilya ng biktimang si Arturo Diaz ng 392 Parcel St. Sta. Mesa.

Batay sa record ng korte, naganap ang insidente noong Abril 27, 1997 nang pagtulungang bugbugin at saksakin hanggang sa mapatay ng mga suspect ang biktima habang umiihi sa Parcel St.

Positibong itinuro ng saksing si Rebecca Gilhang ang mga suspect na bumugbog at sumaksak sa biktima. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ALEX FERNANDEZ

ARIEL DAMO

ARTURO DIAZ

DOS PARES GANG

GEMMA AMARGO-GARCIA

JONATHAN DEQUITO

JUDGE MYRA GARCIA FERNANDEZ

MANILA RAGIONAL TRIAL COURT

PARCEL ST.

PARCEL ST. STA

REBECCA GILHANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with