Ito naman ang isa sa mga bagay na kinokonsidera ngayon ng Central Police District (CPD)-Criminal Investigation Unit kaugnay ng kanilang manhunt operation laban kay de Guzman na kilala rin sa tawag na Josephine Garcia.
Ayon kay CPD-CIU chief Supt. Popoy Lipana, maaari pa ring magpabago ng anyo o mukha si Pajero Lady upang hindi madakip ng pulisya matapos na misteryo itong makatakas sa kanyang mga prison guard sa isang pagamutan ng Quezon City noong nakalipas na Hunyo 13 ng gabi. Agad namang sinibak ang dalawa nitong guwardiya na sina Prison Guard Benedicto Ortega at Allan Listana.
Aniya, dito ay posibleng muling gamitin ni Pajero Lady ang kanyang salapi upang makapagpa-plastic surgery.
Subalit sinabi ni Lipana na nakaalarma na sa ibat ibang ahensiya ang pagkatakas nito kaya mahihirapan na itong makalabas ng bansa.
Matatandaan na patung-patong na kasong estafa at theft ang kinakaharap ni Pajero Lady matapos na mabiktima ang ilang opisyal ng AFP. Pinapasok din nito ang bahay ng mga mayayaman at saka pagnanakawan. (Ulat ni Doris Franche)