^

Metro

Gen. Abat kakasuhan ng inciting to sedition

-
Sasampahan ng kasong ‘inciting to sedition’ ng National Bureau of Investigation (NBI) si retired General Fortunato Abat.

Ito ang tiniyak kahapon ni NBI director Reynaldo Wycoco, matapos ang pahayag nito na-‘i-take over’ na ang gobyerno.

Kung matutuloy, si Abat ang pangalawang masasampahan ng ganitong kaso ng NBI matapos na unang nang kasuhan si dating NBI Deputy Director for Intelligence Samuel Ong noong nakalipas na Hunyo 15.

Binanggit ni Wycoco ang hayagang naging pahayag ni Abat laban kay Pangulong Arroyo na magbitiw na sa puwesto. Binanggit pa nito nakahanda siyang tumayong ‘ transition president’.

Ipinaliwanag pa ni Wycoco na dapat ay noong isang linggo pa nila isinampa ang kaso laban kay Abat, gayunman patuloy pa rin nilang iniipon ang mga ebidensiya laban dito.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkaalarma ang mga estudyanteng nagre-represent sa may 20 Catholic schools sa Metro Manila na bumuo ng Youth Power Againts Destabilization (Y-PAD) sa ginawang pahayag ni Abat na posibleng maging daan sa pagtatayo ng military junta. (Ulat ni Evelyn Macairan)

ABAT

BINANGGIT

DEPUTY DIRECTOR

EVELYN MACAIRAN

GENERAL FORTUNATO ABAT

INTELLIGENCE SAMUEL ONG

METRO MANILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG ARROYO

REYNALDO WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with