QC shootout: 2 holdaper dedo
June 19, 2005 | 12:00am
Dalawang holdaper ang nasawi, habang nakatakas ang isa pa matapos na mangholdap ng isang pampasaherong jeep at makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Central Police District (CPD), kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa mga nasawing suspect na tinatayang nasa edad na 30-35, may taas na 55 talampakan, mahaba ang buhok at nakasuot ng kulay puting short at maong pants. Pinaghahanap naman ang isa pang suspect.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Fedencio Basibas, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa tapat ng Phil. Nuclear Research Institute sa Commonwealth Avenue sa nabanggit na lungsod.
Lumilitaw na sakay ng pampasaherong jeep na may rutang Fairview-Quiapo ang mga biktima kasama ang mga suspect nang magdeklara ng holdap ang mga ito.
Subalit isa sa mga biktima ang agad na nakatalon at nakahingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang pulis hanggang sa magkaroon ng habulan at pagpapalitan ng putok.
Agad na bumulagta ang dalawa sa mga holdaper na nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sa pagsisiyasat ng mga pulis, narekober sa bulsa ng isa sa mga ito ang wallet na pag-aari ng isa nilang biktima na si Alberto Gutang ng Caloocan City. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended