4 na 'naniniktik' sa oposisyon, timbog
June 18, 2005 | 12:00am
Dinakip ng mga tauhan ng San Juan police ang apat na miyembro ng PNP Intelligence Group (IG) na umanoy naniniktik sa mga lider ng oposisyon sa headquarters ng namayapang presidential bet na si Fernando Poe Jr., kamakalawa ng gabi sa nabanggit na bayan.
Nakilala ang mga dinakip na sina Chief Inspector Restituto Arcangel, PO2 Oliver Esquerra, PO1 Ernesto Buenviaje at PO1 Leonico Castillo Jr..
Ayon sa ulat, dakong alas-8:15 ng gabi ng makatanggap sila ng tawag mula sa mga concerned citizen na mayroong apat na armadong kalalakihan ang palibut-libot sa ibaba ng Acacia Bldg. na matatagpuan sa Wilson St., Brgy. Greenhills kung saan dito ang headquarters ng yumaong aktor na si FPJ at dito rin nagsasagawa ng mga pagmimiting ang mga lider ng United Opposition.
Kaagad namang nagresponde ang mga awtoridad at naabutan nga ang apat na kalalakihan na nakasuot ng sibilyan at ng magpakilala ang mga ito ay inanyayahan na sa himpilan ng pulisya ng San Juan para sa kaukulang beripikasyon.
Nabatid na nagpakita pa ang apat na pulis ng kanilang mission order subalit hindi ito sa nasabing lugar sa San Juan kundi ang kanilang mission order ay sa lungsod ng Mandaluyong.
Makalipas ang ilang oras na pagtatanong ay pinawalan din ang apat.
Sinabi naman ni San Juan Mayor Jose Victor Ejercito na matagal na umanong may tumitiktik sa kanila (United Opposition) tuwing may pagpupulong upang malaman umano kung ano ang kanilang plano at mga pagkilos. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended