3 dedo sa grenade explosion
June 18, 2005 | 12:00am
Tatlo katao ang iniulat na nasawi makaraang pasabugan ng granada ng isa nilang hindi pa nakikilalang kasamahan habang nagsasagawa ang mga ito ng pot-session sa isang bahay sa Payatas, Quezon City.
Kinilala ni Chief Supt. Nicasio Radovan, Central Police District (CPD) director ang mga nasawi na sina Sabiana Casan, isang alyas Ming at Moda Aguino, pawang tubong Lanao del Sur at naninirahan sa Kamias St. Lower Jasmin, Payatas.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon habang nagpa-pot-session ang mga biktima sa bahay ni Casan sa naturang lugar.
Nabatid na isa pang ka-pot session ng mga nasawi na hindi agad nakuha ang pangalan ang biglang nagwala sa hindi malamang dahilan.
Una ay binunot nito ang dalang baril at pinaputok kay Aguino na hinihinala ng suspect na asset ng pulisya.
Umawat naman sina Casan at Ming hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.
Dito na naglabas ng granada ang suspect at saka inihagis sa grupo ng mga biktima. Agad namang nakalayo at tumakas ang suspect bago pa man sumabog ang granada.
Malaki ang hinala ng pulisya na may kinalaman sa droga ang naging pagtatalo ng apat na nauwi sa pagpapasabog ng granada. Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended