Kalansay itinuro ng multo
June 18, 2005 | 12:00am
Ang gumagalang multo ng isang babae ang naging susi sa pagkakalutas ng isang itinagong kaso ng pagpatay na hinihinalang may dalawang taon ang nagdaan sa Pasay City.
Pinatunayan ng maraming residente sa F.B. Harrison sa nabanggit na lungsod na madalas na magpakita kung kani-kanino ang umanoy multo ng isang babae. Lagi itong nawawala pagdating sa isang nire-renovate na bahay sa Interior Maginhawa St., Pasay City na pag-aari ng isang Violeta Pilapil.
Labis nang kinatakutan ang multo, pero marami rin ang naniniwala na may ibig itong ipahiwatig.
Hindi nga sila nagkamali dahil kamakalawa ng hapon nadiskubre ng isang Darnell Andrada ang isang kalansay ng babae na nakabalot sa kumot ang itinago sa ilalim ng lababo ng ginagawang bahay.
Sa tantiya ng pulisya, may dalawang taon nang patay ang biktima at mga pira-pirasong kalansay na lamang ang kanilang natagpuan.
Naniniwala ang mga residente na ang nagmumulto ay mismong ang nagmamay-ari ng kalansay na hindi matahimik dahil sa hindi makuha ang inaasam na katarungan.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para makilala kung sino ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest