Ito naman ang impormasyon na natanggap ni Central Police District-Criminal Investigation Unit chief, Supt. Popoy Lipana kasabay ng babala sa Bureau of Immigration (BI) hinggil sa planong pagtakas nito.
Ayon naman sa Correctional Institute for Women, nagpadala na rin sila ng request sa BI upang pigilan ang posibleng pag-alis ng bansa ni Pajero Lady.
Sinabi ni Lipana na muli na namang pinagagana ni Pajero Lady ang kanyang mga resources upang muling makatakas kabilang na ang pagbebenta ng kanyang tatlong condominium, isang bahay sa Antipolo at 17 kotse na ilan dito ay Pajero at Jaguar na nakarehistro sa pangalang Josephine Garcia at sa asawa nitong si Carlos de Guzman.
Ipinaliwanag pa ni Lipana na ginagamit na ni Pajero Lady ang pangalang Josephine Garcia matapos na palabasin nito na ang Marilou de Guzman ay namatay nang masunog ang kotse nito sa isang lugar sa Norzagaray sa Bulacan.
Magugunitang sa loob ng isang pagamutan kung saan inoperahan ito sa matris nakatakas umano si Pajero Lady sa kabila na dala-dalawa ang security nito. (Ulat ni Doris Franche)