1 pang parak sinalvage
June 16, 2005 | 12:00am
Sa Parañaque, isang pulis din na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan na hubot-hubad, basag ang bungo at tadtad ng saksak sa katawan sa loob ng compartment ng isang kotse, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang biktima na si PO1 Dennis Maligaya, 24, nakatalaga sa Regional Special Action Unit (PNP-SAF),tubong Calaca, Batangas at kasalukuyang naninirahan sa Sisa St., Sampaloc, Maynila.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:45 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Maligaya sa Macapagal Avenue, Brgy. Tambo ng nasabing lungsod, habang nagpapatrulya sina PO3 Marlon Golfo at PO1 Julian Balbi ng PCP 2 Parañaque City Police Station.
Nabatid na nilapitan ng mga nabanggit na operatiba ang nakaparadang kulay blue/gray na Toyota Corolla na may plakang UHR 429 dahil nasa ilang na lugar.
Kinatok nina Golfo at Balbi ang salamin ng kotse nang walang sumasagot ay nadiskubre ang bangkay ni Maligaya sa loob ng compartment.
Malaki ang hinala ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at saka isinilid sa compartment ng kotse at saka inabandona sa lugar.
Hindi pa rin malinaw kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa pulis.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest