Lalaki tumalon sa ilog todas
June 15, 2005 | 12:00am
Patay ang isang di-pa nakikilalang lalaki matapos na nagpasya itong wakasan ang buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog-Pasig, kahapon ng umaga sa lungsod ng Mandaluyong.
Ang biktima ay nasa edad 35-40 anyos, 56 ang taas, nakasuot ng pantalong maong at t-shirt at balingkinitan ang pangangatawan.
Batay sa ulat ng pulisya, nakitang tumalon ang biktima sa tulay ng Guadalupe, Brgy. Barangka Ilaya ng nabanggit na lungsod dakong alas-10 ng umaga.
Nabatid mula sa ilang mga nakasaksi na tulala ang biktima habang nilalakad nito ang nabanggit na tulay at maya-maya lamang ay bigla na lamang itong umakyat sa bakod ng tulay at agad na tumalon.
Mabilis namang tumawag ng responde ang mga nakasaksi upang mailigtas ang biktima subalit tuluyan nang kinain ito ng tubig. Matapos ang apat na oras na retrieval and rescue operation ng Coast Guard ay wala nang buhay na iniahon ang biktima sanhi ng maraming nainom na tubig.
Idinagdag pa ng pulisya na mahihirapan umano silang kilalanin ang bangkay dahil wala itong anumang pagkikilanlan sa katawan tulad ng ID, pitaka o tattoo kaya na maaaring palatandaan dito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended