^

Metro

Wiretapped conversations umano ni GMA, pinipirata

-
Posibleng nagkalat na ang mga pirated compact dics na naglalaman ng umano’y wiretapped conversations ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcilliano sa mga bangketa sa Quiapo, Recto at Divisoria sa lungsod ng Maynila.

Ito ang nabatid matapos na ipag-utos ni WPD director Pedro Bulaong ang paghahalughog sa mga bangketa sa may Carriedo at Hidalgo St. sa Quiapo, Evangelista St. at sa Recto Avenue.

Sinabi naman ni Senior Inspector Rodolfo Jamoralin, hepe ng Plaza Miranda PCP ng WPD Station 3 na inatasan niya ang kanyang mga tauhan na kumpiskahin ang mga pirated CD ng kontrobersiyal na tape.

Nagbabala din ito na bukod sa kasong pamimirata, sasampahan din ng kasong paglabag sa anti-wire tapping law ang mga mahuhulihan at nagbebenta nito.

Gayunman, nilinaw ni Jamoralin na wala pa silang nakikitang kopya ng tape sa mga bangketa na kanilang ininspeksyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLIANO

DANILO GARCIA

EVANGELISTA ST.

HIDALGO ST.

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PEDRO BULAONG

PLAZA MIRANDA

RECTO AVENUE

SENIOR INSPECTOR RODOLFO JAMORALIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with