Salpukan ng 2 motorsiklo: 1 dedo
June 12, 2005 | 12:00am
Patay ang isang empleyado, samantalang nasa malubha namang kalagayan ang kaibigan nito makaraang makipagsalpukan ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isa pang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Pasig City General Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at bali sa katawan ang biktimang si Alberto Librea, ng Luxury Subdivision, Angono, Rizal, samantala agaw-buhay naman ang kasama nito na si Eduardo Salvador, 35.
Agad namang sumuko sa pulisya ang suspect na si Jose Gumayan, 41, ng West Floodway, Taytay, Rizal.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa kahabaan ng tulay ng Christina Homes Subdivision sa Brgy. Pinagbuhatan ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na sakay ng kanilang kulay pulang Honda Wave ang mga biktima galing trabaho ng hindi nila mapansin ang isa pang kulay itim na Honda 125 na minamaneho ni Gumayan.
Dahil sa parehong mabilis ang takbo ng motortsiklo ay hindi na nagkaiwasan kaya sumalpok ito sa isat-isa dahilan ng pagkakatilapon ng mga biktima, samantalang nagtamo lamang ng kaunting sugat ang suspect na ngayon ay nakapiit sa Pasig City detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest