^

Metro

Paaralan sa Malabon, nasunog

-
Naantala agad ang unang linggo pa lamang ng pasukan ng mga mag-aaral sa isang pampublikong paaralan matapos itong masunog, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Nadamay rin sa sunog ang pitong pintuang commercial apartment.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:56 nang bigla na lamang magliyab ang isang silid sa Rodriguez Building sa Tenejeros National High School na matatagpuan sa Rivera St., Brgy. Tenejeros ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ng security guard na si Ernan Hernandez, kasalukuyan siyang nagsasagawa ng routine inspection nang mapansin niya na nagliliyab ang ilaw sa loob ng isang silid sa unang palapag ng Rodriguez Bldg. ng paaralan.

Wala nang nagawang paraan si Hernandez makaraang mabilis na kumalat ang apoy sa buong silid aralan at nadamay pa ang mga katabi nitong kuwarto.

Nahirapan naman ang mga bumbero na agad na maapula ang sunog dahil sa masikip ang kalsada papasok sa loob ng naturang paaralan.

Wala namang iniulat na nasugatan sa sunog na tumupok sa mga ari-arian na tinatayang aabot sa P5 milyon.

Kaugnay nito, kaagad namang ipinag-utos ni Malabon City mayor Canuto Oreta ang pagsasaayos sa nasunog na gusali para hindi maperwisyo ang pag-aaral ng mga mag-aaral dito. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

CANUTO ORETA

ERNAN HERNANDEZ

MALABON CITY

RIVERA ST.

RODRIGUEZ BLDG

RODRIGUEZ BUILDING

ROSE TAMAYO

TENEJEROS NATIONAL HIGH SCHOOL

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with