^

Metro

4 na BI agent, lady interpreter timbog sa kotong

-
Nalambat ng mga elemento ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) ang apat na tiwaling ahente ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) at kasabwat ng mga itong lady interpreter matapos ireklamo ng extortion na may kasamang kidnapping sa isinagawang entrapment operation sa bisinidad ng tanggapan sa Intramuros, Manila.

Sa ginanap na press briefing, kahapon sa Camp Crame, iniharap sa mga mediamen ang mga nasakoteng suspect na sina Arsenio Cantada, alyas jun, 40; Robespierre Caparas, alyas Robin, 34; Mario Mejico, 50; Amando Talatala, alyas Dong, 30; at ang lady interpreter na si Linda Ong, 46, biyuda, ng Binondo, Manila.

Ayon kay Sr. Supt. Tom Banias, chief ng PACER-National Capital Region, ang entrapment ay isinagawa dakong alas-6 ng umaga base sa reklamo ng biktimang negosyanteng Filipino-Chinese na si Yolma Chung, 34, ng #32 Macarang, Zambales, hinggil sa pangingikil umano ng mga suspect ng malaking halaga sa dalawang Taiwanese nationals na puwersahan ng mga itong tinangay na sina Chen Rong Yun, 55; at Chen Uro Yun, 50, kapwa negosyante at residente ng Candelaria, Iba, Zambales.

Nabatid na hiningan ng mga suspect ng P300,000 ang mga biktima dahil umano sa paglabag sa batas ng imigrasyon na ipinade-deliver kay Chung sa isang fastfood chain malapit sa tanggapan ng BID sa Intramuros, Manila.

Dakong alas-8:45 ng umaga bago ang itinakdang pay-off ay nailigtas ang biktimang si Yun sa loob ng asul na Mitsubishi Pajero na may plakang XET-766 matapos na pigilin ng mga suspect sa sasakyan na di-umano palalayain hangga’t hindi naibibigay ang naturang halaga.

Samantala, ang kasama nitong si Yun ay pinalaya naman matapos dukutin sa Victory Liner terminal sa Pasay City.

Nasamsam mula sa mga suspect ang asul na Pajero, isang itim na Honda Civic (XHM-617); isang CZ-100, isang 9mm Luger caliber pistol na may isang magazine at anim na bala; isang CZ-75B, isang 9mm Luger caliber pistol na may isang magazine at tatlong bala; isang Besa, 380 caliber pistol, BI identification cards ng mga suspect, limang cellphone, mga bank cards at iba pang personal na dokumento.

Sa follow-up operation ay narekober naman sa Saklat, Malolos, Bulacan ang isang asul na Honda Civic type Z, may plakang UKK-875 na pag-aari ng biktimang si Yun na sapilitan umanong kinuha sa kanya ng nasabing mga BID agents.

Kasalukuyan na ngayong nakapiit sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ang mga suspect na nahaharap sa kasong extortion at kidnap-for-ransom. (Ulat ni Joy Cantos)

AMANDO TALATALA

ARSENIO CANTADA

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CAMP CRAME

CHEN RONG YUN

CHEN URO YUN

HONDA CIVIC

ISANG

YUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with