^

Metro

29-anyos na OFW dinedo ng boardmate

-
Isang 29-anyos na overseas Filipino worker (OFW) ang pinatay sa saksak ng ka-board mate nito matapos magkaungkatan sa dati nilang alitan, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Dakong alas-3:45 kahapon ng madaling-araw nang bawian ng buhay habang ginagamot sa Las Piñas Medical Center ang biktimang si Merlita Sayson, ng Block 4, Lot 9, Villa Pangarap, Brgy. Talon 5, ng lungsod na ito, sanhi ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa isang patalim.

Mabilis namang tumakas ang suspect na si Jorge Cabamungan, ng nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa Block 4, Lot 9, Villa Pangarap, Brgy. Talon 5, Las Piñas City.

Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspect matapos silang magkaungkatan sa dati nilang alitan, hindi naman nabanggit ng pulisya kung ano ang dahilan.

Ang pagtatalo ng dalawa ay nauwi sa trahedya makaraang kumuha ng patalim ang suspect at walang sabi-sabi nitong pinagsasaksak ang biktimang si Sayson.

Isinugod ang biktimang si Sayson ng kanyang live-in partner na si Leticia Pagay, isang tomboy sa nabanggit na pagamutan subalit namatay din.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng follow-up ang mga pulis hinggil sa naturang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

DAKONG

JORGE CABAMUNGAN

LAS PI

LETICIA PAGAY

LORDETH BONILLA

MEDICAL CENTER

MERLITA SAYSON

SAYSON

VILLA PANGARAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with