TV director todas sa pamamaril
June 9, 2005 | 12:00am
Nasawi ang TV director ng programang "Nginig" ng ABS-CBN Channel 2, samantala anim na katao pa ang nasugatan kabilang ang isang police captain matapos na pagbabarilin ang mga ito ng isang nagwawalang spoiled brat buhat sa isang mayamang pamilya makaraang magkairingan sa isang bar sa Makati City, kahapon ng umaga.
Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang biktimang nakilalang si Luigi Santiago, 26, ng 2206 Renaissance 3000, Meralco Avenue, Pasig City sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa dibdib.
Ginagamot naman sa Makati Medical Center ang mga sugatan pang biktima na sina Senior Inspector Merquiodi Bondanio, ng Makati Police; Arnel Genterrone, 32; Althea Arvisa, 21; Charlieton Yu, 30; Gerald Nicolas, 30 at Maryan Sansano, 24.
Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Oliver matapos ang isinagawa niyang pamamaril lulan ng minamaneho nitong Ford Explorer.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4 ng umaga sa V-Bar Restaurant sa Glorietta Mall 2 sa Ayala Center sa Makati City.
Nabatid na dalawang kababaihan buhat sa magkabilang grupo ang nagkabanggaan sanhi upang magkaroon ng mainitang argumento.
Dahil sa pagtatanggol sa kanilang mga kasama nagrambol ang mga kasamang lalaki ng mga ito kabilang ang suspect.
Bagamat naawat noong una, hinintay pala ng grupo ng suspect ang paglabas ng nakalabang grupo na nang makita ay agad na pinaulanan ng bala ng baril ni Oliver.
Patuloy naman ang ginagawang paghahanap ng mga awtoridad sa tumakas na suspect na ayon sa ulat ay buhat sa isang mayamang pamilya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended