Demolition sa Intramuros: 700 pamilya naapektuhan
June 8, 2005 | 12:00am
Umaabot sa 700 pamilya ang nawalan ng kanilang tirahan matapos na gibain ang kanilang bahay sa isinagawang demolisyon ng administrasyon ng Intramuros sa Maynila kahapon.
Dakong alas-8 ng umaga nang umpisahang wasakin ng may 300 inarkilang tauhan ng demolition team ng Intramuros Tourism Administration na pinamumunuan ni Dominador Ferrer ang may 200 mga bahay sa may Maeztranza Compound, Maeztranza St., Intramuros.
Nabatid na matagal nang pinaaalis ang mga squatter para bigyang daan ang konstruksyon para sa proyekto sa turismo. Minsan na ring tinamaan ng sunog ang naturang lugar ngunit nagbalikan pa rin ang mga residente.
Wala namang naganap na karahasan sa pagitan ng demolition team na suportado ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng WPD at ng mga residente na nabigla sa isinagawang demolisyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended