^

Metro

Pasyente, tumalon sa ospital patay

-
Isang 19-anyos na pasyente ang nasawi makaraang tumalon buhat sa ikalawang palapag ng gusali ng University of Santo Tomas Hospital sa Sampaloc, Manila, kamakalawa.

Nasawi matapos na mabasag ang bungo ng biktimang si Ronald Santos, binata, walang hanapbuhay, at residente ng #2218 Ugbo St., Vitas, Tondo, Manila.

Sa ulat ng WPD-Homicide Section, dakong alas-12:20 kamakalawa ng hapon nang maganap ang nasabing insidente sa 2nd floor ng gusali sa Clinical Division ng ospital.

Ayon sa mga saksi, hindi nila namalayan na bumangon sa kanyang higaan ang biktima at narinig na lamang ng ilan ang malakas na kalabog sa semento nang tumalon ito.

Agad na dinala ng mga doktor sa operating room ang biktima upang sagipin ang buhay subalit namatay din ito ng bandang alas-8:50 ng gabi.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na naratay ang biktima sa sakit na Cushing Syndrome nitong June 3.

Bukod sa pagpapakamatay, posible umano na nagtangka lamang tumakas sa pagamutan ang biktima ngunit nauna ang ulo nito sa pagtalon kaya kamatayan ang sinapit.

Malaki ang hinala na hindi matiis ang sakit na nararamdaman ng biktima kaya nagpasya itong kitlin ang buhay.

Bago ang pagpapatiwakal, pumasok ang biktima sa comfort room at pinalabas lamang ito ng tiyahing si Elvira.

Ilang saglit pa lamang ang nakakaraan nang dumaan ito sa bintana saka tumuntong sa andamyo nito, pumikit at tumalon na una ang ulo.

Sa pag-iimbestiga ng pulisya, napansin sa katawan nito ang pulang mga pantal na pinaniniwalaang dahilan ng kanyang karamdaman. (Ulat ni Danilo Garcia)

AYON

BIKTIMA

BUKOD

CLINICAL DIVISION

CUSHING SYNDROME

DANILO GARCIA

HOMICIDE SECTION

RONALD SANTOS

UGBO ST.

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with