^

Metro

Habambuhay sa Taiwanese na nahulihan ng 7.5 kilo ng shabu

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang naging hatol ng hukuman kahapon laban sa isang Taiwanese national matapos itong maaktuhan na nagdadala ng 7.5 kilo ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Pasay City may apat na taon na ang nakakalipas.

Base sa desisyon ni Judge Cesar Ylagan ng Branch 231, Pasay City Regional Trial Court (RTC), hinatulan nito ng habambuhay na pagkabilanggo ang akusadong si Jiu Chang Hsu, 30.

Sa record ng korte, ang naturang dayuhan ay isang marketing agent ng Touch Racio na nakabase sa Kaohsing City, Taiwan.

Inaresto ito sa NAIA, Pasay City noong Setyembre 14, 2001, dakong alas-8 ng gabi matapos makumpiskahan ng nabanggit na droga na nakalagay sa isang banga habang nagsasagawa ng inspection ang mga kagawad ng Bureau of Customs (BoC) sa Lane 10 ng nabanggit na paliparan.

Ngunit mariing itinanggi ng akusado ang 7.5 kilo ng shabu na nakumpiska sa kanya. Sa mga ebidensiyang isinumite laban sa nabanggit na dayuhan, napatunayan ng hukuman na ito ay nagkasala at lumabag sa Section 15 ng Anti-Drug Abuse Law’s, Article 6425. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BUREAU OF CUSTOMS

DRUG ABUSE LAW

JIU CHANG HSU

JUDGE CESAR YLAGAN

KAOHSING CITY

LORDETH BONILLA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

TOUCH RACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with