Anggulo sa pag-ibig tinitingnan sa Legarda explosion
June 7, 2005 | 12:00am
Isa sa tinitingnang anggulo ngayon ng Western Police District (WPD) ang anggulo ukol sa isang babae na nakarelasyon ng isa sa miyembro ng pamilyang pinasabugan ng granada na sanhi ng pagkamatay ng apat na katao, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Maynila.
Nabatid na nasawi sa naturang insidente ang tatlong bata na sina Maymay Gutierrez-Guayan, 3; kapatid nitong si Ronnie, 7-buwang gulang at Carl Mark Gutierrez, 3-buwang gulang; at kanilang katulong na si Joesinith Rosela, 18.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga sugatang sina Carlos Gutierrez, 70; asawa nitong si Gloria, 63; anak na si Nora, 32; mga apo na sina Aaron, 5; Princess Ann, 6; at Rannie, 7-buwan at Zoraida Guayan.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang nakatakas na suspect na inilarawan ng mga saksi na nasa pagitan ng edad 30-35 anyos, nasa 55 taas, may bigote, nakasuot ng sleeveless shirt at maong na pantalon.
Ayon sa WPD-Homicide Section, masusi nilang tinitingnan ang anggulo ukol sa paghihiganti umano ng pamilya ng isang babae na nakarelasyon ni Randy Gutierrez. Nabatid na ang posibleng target talaga ng suspect ay si Randy na wala sa naturang bahay nang maganap ang pagsabog.
Nabatid na nakarelasyon umano ni Randy ang naturang babae ngunit nagkaroon ng hiwalayan. Nagpakamatay umano ang babae na siyang labis na dinamdam ng pamilya nito kung saan nagbanta na balang araw ay babalikan ito para magbayad.
Bukod dito, wala pang makitang anggulo ang pulisya dahil sa pagsasabi ng pamilya ng mga biktima na wala silang alam na kaaway at ibang tao na may rason para gumawa ng naturang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended