Lola lasog sa pedicab
June 5, 2005 | 12:00am
Nagkalasug-lasog at namatay ang isang 60-anyos na lola nang kaladkarin ng isang pedicab na de-motor habang naglalakad sa ibabaw ng tulay sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot ang biktimang nakilala lamang sa pangalang Kingking Hagad, walang tiyak na tirahan.
Pinaghahanap naman ang di-nakilalang suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Sa ulat ni SPO4 Rogelio Nadora, ng Traffic Management Group, dakong alas-5 ng umaga nang naganap ang insidente sa ibabaw ng Marala bridge sa Road 10, ng naturang lugar.
Ayon sa ilang saksi, nakitang naglalakad ang biktima sa naturang lugar hanggang sa tumawid ito sa kabilang bahagi ng tulay at hindi napansin ang paparating na isang de-motor na pedicab o tinatawag na "kuliglig".
Hindi umano nakontrol ng driver ang break ng minamanehong kuliglig na nagresulta upang makaladkad ng layong 50 metro dahilan upang agad na bawian ng buhay ang biktima.
Matapos ang insidente, mabilis umanong tumakas ang driver papalayo sa lugar at iniwang nakatiwangwang ang katawan ng biktima.
Ang biktima ay kasalukuyang nakaburol sa barangay hall ng Brgy. 101 Zone 8 sa Tondo nang mabatid na wala itong permanenteng tirahan. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended