^

Metro

8 WPD cops inireklamo ng 'hulidap'

-
Muling nabahiran ng imahe ang pamunuan ng Western Police District (WPD) nang ireklamo ang dalawang opisyal nito at anim pang mga tauhan ng umano’y illegal na pag-aresto sa apat na katao at sapilitang paghingi ng mahigit P30,000 sa Sampaloc, Maynila.

Personal na naghain kahapon ng kasong kriminal at administratibo sa tanggapan ng WPD General Assignment Section (GAS) ng WPD at sa Camp Bagong Diwa ang mga biktimang sina Rosela Pandongon, 28; at Anna Liza Pandongon, 20, kapwa residente ng #1884 España St., Sampaloc, laban kina Insp. Oliver Lucero at Inspector Luis Lazo at anim pang di-nakilalang pulis na pawang nakatalaga sa WPD Station 6-Sta. Ana.

Sa salaysay ng mga biktima kay PO2 Alberto Saygo Jr., may hawak ng kaso, pinasok umano sila ng mga suspect sa loob ng kanilang bahay noong May 31, 2005 dakong ala-1 ng madaling-araw dahil may hinahanap umano silang holdaper.

Tinutukan umano sila ng baril at sapilitang inaresto ang dalawa at kasambahay nilang sina Roberto Bersola, Allen Pandongon at Al Pandongon at dinala sa presinto.

Kinuha pa umano ng mga pulis ang cellphone at videocam ng mga biktima.

Sa presinto, inakusahan sila na nagbebenta ng droga, gayunman, makakalaya lamang ang tatlo kung magbibigay sila ng P8,000 bawat isa. Pinakawalan nila si Ana Liza upang makahanap ng pera.

Subalit nang natunugan nila na nagreklamo ang biktima ay hindi na tinanggap ang pera ng mga suspect at tuluyang kinasuhan ng drug possession ang tatlo.

Unang dumulog ang mga biktima sa tanggapan ni Supt. Quirico Vinagrera, hepe ng Station 6 subalit binalewala umano ng mga ito kaya nagpasya silang dumulog sa Camp Bagong Diwa at WPD-GAS. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

AL PANDONGON

ALBERTO SAYGO JR.

ALLEN PANDONGON

ANA LIZA

ANNA LIZA PANDONGON

CAMP BAGONG DIWA

GEMMA AMARGO-GARCIA

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

INSPECTOR LUIS LAZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with