^

Metro

2 pulis lusot sa kotong

-
Pinawalang-sala ng Manila City Prosecutor’s Office ang dalawang pulis na nahuli sa isang entrapment operation sa umano’y pangongotong ng mga ito sa magkapatid na trader, kamakailan sa Sampaloc, Maynila.

Sa rekomendasyon ni Asst. City Prosecutor Glenda Mendoza, pinawalang-sala at pinalaya nito sina PO2 Dino Magallanes ng Computer Service sa PNP Headquarters, Camp Crame at PO2 Almerto Lumagui ng Station 8 ng Central Police District (CPD).

Matatandaan na dinakip ng mga kagawad ng Western Police District (WPD) ang dalawa kamakailan sa isang entrapment nang hingan umano nila ng P95,000 ang magkapatid na Evangeline at Vergenia dela Rosa sa may Legarda St., Sampaloc. Inaresto umano ng dalawang pulis ang magkapatid at sinabihang nakuhanan ng shabu. Humingi ang mga ito ng pera upang hindi sila kasuhan at palayain.

Nakahingi naman ng tulong ang mga biktima sa WPD na nagsagawa ng operasyon sa bayaran ng mga ito.

Duda naman ang magkapatid na dela Rosa na nagkaroon ng bayaran umano sa pagitan ng piskal at mga suspect upang paboran ang mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALMERTO LUMAGUI

CAMP CRAME

CENTRAL POLICE DISTRICT

CITY PROSECUTOR GLENDA MENDOZA

COMPUTER SERVICE

DANILO GARCIA

DINO MAGALLANES

LEGARDA ST.

MANILA CITY PROSECUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with