P5.6-M Shabu kuha sa drug test
June 4, 2005 | 12:00am
Bumagsak sa mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang Chinese national na hinihinalang big-time drug trafficker na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng P5.6-M halaga ng shabu sa isinagawang drug bust operations sa parking area ng SM Megamall sa Mandaluyong City, kamakalawa.
Sa isang press briefing sa Camp Crame, iniharap ni PNP-CIDG director Chief Supt. Ricardo Dapat ang nasakoteng suspect na si Chi Hong Wong, 23, isang undocumented Chinese national.
Ayon kay Dapat, ang suspect ay nahuli ng CIDG team sa entrapment operation matapos ang maikling habulan at muntik nang barilan dakong alas-5:50 ng hapon noong Huwebes.
Sinabi ni Dapat na kasalukuyang nilalapitan ng CIDG operatives ang suspects nang tangkain nitong pumuslit at nagtatakbo sa nakaparadang kotseng Honda.
Agad umanong binuksan ni Wong ang kanyang sasakyan at sinunggaban ang dalang Desert Eagle pistol cal. 9mm na tinangka nitong iputok sa mga awtoridad, subalit mabilis namang naagapan at naagaw ng operatiba sa suspect ang armas.
Nasamsam sa loob ng sasakyan ng suspect ang isang bag na naglalaman ng apat na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.6 milyon.
Nabigo ang suspect na makapagprisinta ng anumang dokumento na makakapagpatunay na legal ang kanyang pananatili sa Pilipinas at wala rin itong pasaporte.
Ipinagharap na ng kaso ang nadakip at walang inirekomendang piyansa si Mandaluyong City Prosecutor Elenita Dumaguile para sa pansamantalang paglaya nito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest