Sa 29-pahinang komento ng Office of the Solicitor General (OSG), hiniling nito sa Supreme Court na ang patuloy na pagkakakulong sa dating kongresista ay mayroong legal na basehan.
Sa naturang pleading, binigyang-diin nito na malaki ang ginagawang pagkakamali ng kampo ni Roldan dahil hindi maaaring dumiretso ito sa SC dahil ito ay labag sa umiiral na batas kaugnay sa korte.
Ipinaliwanag ng OSG na hindi dapat sa SC tumakbo si Roldan kundi sa Court of Appeals (CA) lamang matapos na ibasura ni Quezon City Regional Trial Court Judge Maria Luisa Quijano-Padilla ang petition for habeas corpus ng aktor.
Idinagdag pa ng OSG na may legal na basehan ang pagkakakulong kay Roldan dahil siya ay nasaklaw ng warrantless arrest provision sa ilalim ng Revised Rules on Criminal Procedure.
Magugunita na nagsumite ng kanyang petition sa SC si Roldan noong Marso 7, 2005 kung saan hinihiling nito na baligtarin nito ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) na nagbabasura sa kanyang petition for habeas corpus.
Ibinasura ni Judge Padilla ang nasabing petition ni Roldan matapos na bawiin nito ang kanyang waiver of detention kung kayat napilitan agad ang Department of Justice (DOJ) na isampa ang kasong kidnapping laban sa kanya sa Pasig City RTC. (Ulat ni Grace dela Cruz)