Away ng 2 pamilya: 1 todas
June 2, 2005 | 12:00am
Isang 36-anyos na mister ang nasawi matapos ang halos 30 minutong pakikipag-palitan ng putok kasama ang dalawang kaanak laban sa isang pamilya dahil sa matagal nang alitan ukol sa basura sa Caloocan City.
Butas ang dibdib dahil sa tinamong isang tama ng bala ng sumpak na naglagos sa puso ang sanhi ng kamatayan ng biktimang si George Guevarra, basurero ng Phase 8B, Package 5, Block 76, Lot 7, Bagong Silang, Caloocan City.
Samantala, nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya ang mga suspect na nakilalang sina Pablo Auditor, 55 at mga anak na sina Reyward, 23 at Rene Boy, 27, ng nasabi ring lugar.
Habang sina Dick Sorreda, 30 at kapatid nitong si Marlon, 28, kapwa kaanak ni Guevarra ay pinaghahanap pa ng pulisya.
Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi nang sugurin nina Guevarra at magkapatid na Sorreda ang bahay ng pamilya Auditor para umano tapusin ang dating alitang namuo sa kanila dahil lalong nagkakainitan kapag nagpapanagbo ang mga ito sa lugar.
Ayon kay Pablo, nauna umano silang pinaulanan ng bala ng tatlo gamit ang kalibre .38 baril at gumanti lamang sila ng putok upang maproteksiyunan ang kanilang sarili sa pag-atake ng mga una, kaya nabaril si Guevarra.
Sinasabing nag-ugat ang alitan ng dalawang grupo sa basura kung saan nagalit ang nanay umano ni Guevarra sa pagtatapon ng basura ng mga Auditor sa isang creek malapit sa kanilang lugar. Ang hindi pagkakaunawaan ay nag-ugat sa pagbabarilan na ikinasawi ni Guevarra. (Ulat ni Ricky Tulipat)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended