Ang naturang pagkilos ay pamumunuan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at League of Filipino Students (LFS).
Binigyang-diin ni Antonio Tino, pangulo ng ACT, sisimulan nila ang kanilang kilos-protesta sa pamamagitan ng noise barrage ganap na alas-7 ng umaga sa mga paaralan sa Quezon City.
Ayon kay Tino, nakakasawa na ang pagsasagawa ng kilos-protesta tuwing magsisimula ang pasukan subalit kailangan nila itong gawin upang mapakinggan sila ng pamahalaan.
Tampok din aniya ang pagpapahayag ng kanilang sentimyento hinggil sa kabiguan ng pamahalaan na maitaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa, dagdag na sahod sa mga guro at ang kakulangan ng pasilidad sa mga pampublikong paaralan.
Igigiit naman ng LFS ang pagpapahinto sa bridge program ng Department of Education na nagtatakda ng isa pang taong dagdag sa high school at ang pagtaas ng tuition fee. (Ulat ni Angie dela Cruz)