^

Metro

Kilos-protesta agad sa pagsisimula ng klase

-
Kilos-protesta ang pasalubong ng mga guro at mag-aaral sa mga paaralan sa Quezon City sa pagbubukas ng klase sa Lunes, June 6.

Ang naturang pagkilos ay pamumunuan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at League of Filipino Students (LFS).

Binigyang-diin ni Antonio Tino, pangulo ng ACT, sisimulan nila ang kanilang kilos-protesta sa pamamagitan ng noise barrage ganap na alas-7 ng umaga sa mga paaralan sa Quezon City.

Ayon kay Tino, nakakasawa na ang pagsasagawa ng kilos-protesta tuwing magsisimula ang pasukan subalit kailangan nila itong gawin upang mapakinggan sila ng pamahalaan.

Tampok din aniya ang pagpapahayag ng kanilang sentimyento hinggil sa kabiguan ng pamahalaan na maitaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa, dagdag na sahod sa mga guro at ang kakulangan ng pasilidad sa mga pampublikong paaralan.

Igigiit naman ng LFS ang pagpapahinto sa bridge program ng Department of Education na nagtatakda ng isa pang taong dagdag sa high school at ang pagtaas ng tuition fee. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

ANGIE

ANTONIO TINO

AYON

BINIGYANG

CRUZ

DEPARTMENT OF EDUCATION

IGIGIIT

LEAGUE OF FILIPINO STUDENTS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with