^

Metro

Bangko hinoldap ng 20 holdaper

-
Nilooban ng tinatayang 20 armadong kalalakihan na nakasuot ng military fatigue uniform ang isang sangay ng Allied Bank kung saan isang American national ang nasugatan matapos na tamaan ng bala sa palitan ng putok sa pagitan ng mga security guard nito, kahapon ng hapon sa lungsod ng Maynila.

Nabatid na bandang alas-2 ng hapon nang pasukin ng mga suspect na armado ng matataas na kalibre ng baril tulad ng M-203 grenade launcher at M-16 rifle ang Allied Bank-Vito Cruz Avenue Branch sa Malate, Maynila.

Sa inisyal na ulat, sakay ng isang berdeng Toyota Revo, puting Nissan Urvan van at Honda CRV ang mga suspect nang dumating at agad na pasukin ang naturang bangko.

Ayon sa mga saksi, mistulang giyera umano ang naganap dahil sa lakas ng kalibre ng mga baril ng mga suspect kung saan masuwerteng hindi sumabog ang isang bala ng M-203 grenade na pumasok sa loob ng naturang bangko.

Nagawa namang makatakas ng mga holdaper nang ma-flat ang gulong ng armored van ng mga security guard habang nagmistulang nabulaga naman ang mga miyembro ng Western Police District (WPD) matapos na mahuli sa pagresponde at mabigong makapagtatag ng checkpoints.

Isang turistang American national na nakilalang si Daniel Moss, 22, ang tinamaan ng ligaw na bala.

Hindi naman nakapagbigay ng halaga ang pulisya sa perang natangay ng mga holdaper ngunit tiniyak ng mga ito na hindi nabuksan ang main vault ng banko dahil sa time delay nito. Tanging mga pera sa kaha ng mga teller at mga ari-arian ng mga kostumer ang natangay ng mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALLIED BANK

ALLIED BANK-VITO CRUZ AVENUE BRANCH

AYON

DANIEL MOSS

DANILO GARCIA

MAYNILA

NISSAN URVAN

TOYOTA REVO

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with