^

Metro

Magkaibigan patay sa parak

-
Patay ang magkaibigan makaraang pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang pulis dahil lamang sa gitgitan ng kanilang sasakyan, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ang mga nasawing mga biktima na sina Denil Dale Gaberia at Jo Alvin dela Cruz, kapwa residente ng M.H. Del Pilar St., Brgy. Palatiw ng nasabing lungsod, samantala agad namang tumakas ang hindi pa kilalang suspect na napag-alamang naka-uniporme pa ng pulis sakay ng kanyang kotse matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon ni PO2 Fernan Atencio, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi habang sakay ng tricycle ang mga biktima kasama ang tatlo pang kaibigan at binabagtas ang kahabaan ng F. Manalo St. Brgy. Sto. Tomas ng nabanggit na lungsod.

Bigla umanong lumitaw ang isang kulay itim na Honda CRV na walang plaka at nag-over-take sa tricycle kaya nagitgit ang tricycle ng mga biktima sa gilid ng kalsada dahilan upang murahin ni Gaberia ang suspect.

Narinig naman ng suspect ang pagmumura sa kanya ng mga biktima kung kaya huminto ito sa harapan ng tricycle at bumaba ng kotse bitbit ang hindi pa batid na kalibre ng baril at unang binaril nang malapitan sa noo si Gaberia na namatay noon din. Hindi pa nakuntento at pinaulanan pa nito ng pagpapaputok ng baril ang tricycle na dito napuruhan si dela Cruz at naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Matapos ang ginawang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspect na siya ngayong target ng operasyon ng mga awtoridad.(Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BIGLA

CRUZ

DEL PILAR ST.

DENIL DALE GABERIA

EDWIN BALASA

FERNAN ATENCIO

GABERIA

JO ALVIN

MANALO ST. BRGY

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with