PCA Director namaril ng foreman dahil sa right of way
May 28, 2005 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang foreman matapos na tamaan ng bala ng armalite nang walang habas umanong magpaputok si Virgilio David, Director ng Philippine Coconut Authority(PCA) dahil sa usapin ng right of way kahapon ng umaga sa Quezon City.
Ginagamot sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Victor Daniel, ng ZNR Construction na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa leeg, ulo at hita.
Kusang loob namang sumuko kay CPD-CID chief Sr. Supt. Popoy Lipana si Ret. Army Gen. Virgilio David na dating administrator at ngayoy director sa PCA, samantalang pinaghahanap pa ang kapatid nitong si Romeo.
Batay sa inisyal report, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga sa nasabing construction site sa St. Martin St. Rosario 2, Subd. Tandang Sora, Q.C. nang iparada umano ni Roberto Regala ang kanyang kotse sa tapat ng bahay ng pamilya David na naging dahilan ng pagsisikip ng daan.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Romeo at Roberto hanggang sa tutukan ng una ang huli ng shotgun.
Nakita ng retiradong heneral ang kaguluhan malapit sa construction site kung kayat inakala nito na pinagtutulungan ang kanyang kapatid.
Agad nitong kinuha ang kanyang baby armalite at walang habas umanong nagpaputok kung saan tinamaan ang biktimang si Daniel.
Pinag-aaralan ng pulisya kung ano ang kasong isasampa laban sa mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest