^

Metro

Jobless na mister nagbigti

-
Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang mister matapos hindi makakita ng trabaho na tutustos sa araw-araw na pangangailangan ng pamilya, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Hindi na nagawang maisugod sa pagamutan ang biktimang si Christian Danico, ng #455 San Jose St., Isla San Juan, Maypajo, Brgy. 34, nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang tahanan. Nakabigti sa leeg ng biktima ang isang nylon cord na ginamit at itinali sa biga ng kanilang bahay.

Ayon pa sa pahayag ng tiyuhin ng biktima na si Carlos Danico, 45, kinakatok niya ang pamangkin upang mag-almusal ngunit hindi na ito sumagot pa.

Agad na kinabahan si Carlos kaya’t puwersahan nitong binuksan ang pinto ng kuwarto ng pamangkin at tumambad sa kanya ang wala nang buhay na katawan nito. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BATAY

BRGY

CALOOCAN CITY

CARLOS DANICO

CHRISTIAN DANICO

ISLA SAN JUAN

MAYPAJO

ROSE TAMAYO

SAN JOSE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with