Kaso vs Willie Revillame malakas Atty. Alentajan
May 27, 2005 | 12:00am
Tiniyak ni Atty. Bonifacio Alentajan, legal counel ng PM Entertainment Editor at PSN assistant editor na si Salve Asis na malakas ang kanilang kaso laban sa TV host at comedian na si Willie Revillame kahit hindi na sila magsumite pa ng karagdagang ebidensiya.
Ang paniniyak ay ginawa ni Alentajan kasunod ng pagsusumite ng rejoiner-affidavit ni Revillame kaugnay ng pagpapatuloy ng preliminary investigation sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban dito.
Ayon kay Alentajan, hindi na sila magsusumite pa ng memorandum o dagdag na ebidensiya dahil sapat na ang kanilang hawak na katotohanan.
Bukod dito, sinabi pa ni Alentajan na for resolution na ang kaso kung saan idedetermina ng piskal kung may probable cause sa kanilang kasong isinampa laban sa komedyante.
Samantala, nanindigan din si Revillame sa kanyang rejoiner na inosente siya sa kasong sexual harassment na isinampa ni Asis sa kanya. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended