^

Metro

Totoy ginagamit na courier ng marijuana

-
Nagpalabas kahapon ng manhunt operation ang Quezon City Anti-Drugs Abuse Council (QCADAC) laban sa tiyahin ng isang 13-anyos na bata na nahulihan ng isang kilong marijuana sa Quezon City.

Ito’y matapos na sabihin ng batang suspect na napag-utusan lamang siya ng kanyang tiyahin na ideliber sa kanilang kliyente ang pinatuyong marijuana buhat sa Benguet.

Ayon kay QCADAC Chairman at Vice Mayor Herbert Bautista, mas malaki ang responsibilidad at kasong kinakaharap ng tiyahin ng batang naaresto dahil sa posibleng ito ang siyang nagpapakalat ng marijuana mula sa lalawigan ng Benguet patungo sa Maynila.

Sinabi ni Bautista na pansamantalang inilagak sa Molave Youth Homes ang bata, habang inihahanda ang kaso laban dito.

Nadakip ang bata kamakalawa ng hapon habang bitbit ang isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa mga overpass ng Camachile, North Diversion Road sa Balintawak, ng nabanggit na lungsod.

Narekober mula sa pag-iingat nito ang isang bloke ng marijuana na nakabalot sa packaging tape at nagkakahalaga ng P3,600. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

BALINTAWAK

BAUTISTA

BENGUET

DORIS FRANCHE

DRUGS ABUSE COUNCIL

MOLAVE YOUTH HOMES

NORTH DIVERSION ROAD

QUEZON CITY

VICE MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with