Nagbigay ng direktiba si Fernando kina Dep. Chairman Cesar Lacuna at Gen. Manager Robert C. Nacianceno na umiwas muna sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng ahensia upang huminto ang "word war" sa pagitan ng MMDA at ng Metro mayors.
Sinabi ni Fernando na sayang ang oras na kukunsumuhin sa pagpapaliwanag kung sarado ang isipan ng pinatutungkulan kayat ang mainam ay magtrabaho na lamang.
Nabatid na ang pananahimik ng MMDA ay isa umanong silent mode defense sa mga batikos na ginagawa ng ilang alkalde at transport groups na laban sa ahensiya.
Ayon kay Fernando, mula nang maupo ito para manungkulan sa MMDA, maraming offensive remarks na natanggap at ang pinakagrabe rito umano ay ang alegasyon na isa itong diktador at nagpapatupad ng batas trapiko sa Metro Manila nang walang mandate.
Mananahimik ang MMDA hanggang sa mamatay ang mga negatibong isyu ng ahensiya at maghilom ang sugat na nilikha ng pagbabatuhan ng masasakit na salita na sumisira sa kredibilidad at reputasyon ng nanunungkulan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)