Revamp sa NAIA namumuro
May 26, 2005 | 12:00am
Dahil sa pagkakatakas ng anim na Chinese na illegal alien, ipinag-utos kahapon ng Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Immigration (BI) ang pagsasagawa ng malawakang pagbalasa sa mga tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1 at 2.
Ang nasabing kautusan ay bunga ng nabunyag na talamak na escorting activities nina Bienvenido Castillo III, nakatalaga sa NAIA Terminal 1 at Ferdinand Sampol, head ng NAIA Terminal 1 at 2 kung saan ay anim na Chinese umano ang nakapuslit sa departure area ng paliparan.
Nakilala ang mga nakapuslit na illegal aliens na sina Cai Dong Le; Yu Meng; Lin Qing Jang; Huang Hin Choo; Huang Li Hong at Li Feng.
Ang anim na Chinese ay nadiskubreng mga overstaying na sa bansa at sila ay nakalabas ng Pilipinas ng hindi umano nakapagbayad ng kaukulang multa.
Binigyang diin ni Justice Secretary Raul Gonzalez na dapat masugpo ang naturang ilegal na aktibidad dahil ito ay malaking banta sa pambansang seguridad.
Bunga din nitoy, binigyan ng 72 oras ni Gonzalez sina Castillo at Sampol na magpaliwanag hinggil sa ginawang pag-escort sa anim na dayuhan upang makalabas ng bansa.
Ayon pa sa kalihim kung hindi susunod ang dalawa sa kanyang ibinigay na taning ay hindi umano siya mag-aatubiling kasuhan at pasibak ang mga ito. (Ulat ni Grace Amargo-Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended