OFW nasagasaan ng LRT
May 25, 2005 | 12:00am
Isang lalaking balikbayan ang umanoy tumalon sa riles ng light rail transit (LRT) sanhi upang masagasaan ito ng paparating na tren sa Vito Cruz station, kahapon ng hapon sa lungsod ng Maynila.
Sa inisyal na ulat, nakilala ang biktima sa pangalang Rolly Buenafe, 40, isang overseas Filipino worker (OFW), ng Block 47, Lot 2, Bagong Silang, San Pedro, Laguna, na agad na isinugod sa Philippine General Hospital.
Ayon kay LRT Administrator Mel Robles, dakong alas-4 ng hapon nang iulat sa kanya ang pagtalon ng isang lalaki sa riles ng tren sa may Vito Cruz station.
Sinabi ng mga security guard na hindi nila nakita ang aktuwal na pagtalon nito at nakita na lamang nila ang biktima na nasa ilalim na ng tren dahil sa sigawan ng ibang pasahero.
Humihinga pa umano ang biktima nang marekober sa ilalim ng tren at isugod sa nasabing pagamutan.
Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kritikal pang kalagayan ang biktima.
Hindi rin naman malinaw kung sinadyang tumalon ng biktima o aksidente lamang na nahulog sa riles dahil sa pagtutulakan ng mga walang disiplinang pasahero. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest