No. 8 most wanted sa CAMANAVA, arestado
May 25, 2005 | 12:00am
Nagtapos na ang matagal na pagtatago sa batas ng tinaguriang number 8 most wanted sa CAMANAVA area matapos na masakote ito, kahapon ng madaling araw.
Ang suspect na may kasong murder ay nakilalang si Christian Lazaro, alyas Bingo, 27, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik at may huling address sa 289 Roldan St., Navotas.
Base sa nakalap na impormasyon kay Supt. Sotero Ramos, hepe ng District Police Intelligence Unit-Northern Police District Office, dakong ala-1:40 ng madaling-araw nang masakote ang suspect sa pinagtataguan nitong bahay sa Brgy. Lawa, Obando, Bulacan.
Dinakip ito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Benjamin Aquino ng Malabon-Navotas Regional Trial Court branch 170.
Base sa rekord ng pulisya, si Lazaro ang responsable sa pagpatay sa kanyang kapitbahay na si Romeo Faustino noong nakalipas na Pebrero 11, 2001 habang ang biktima ay nalalakad pauwi sa kanyang tahanan sa Brgy. Tangos, Navotas.
Apat na beses na pinaputukan ng suspect ang biktima ng dala nitong baril sa likod at nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na itong tumakas at ilang taon ding nakapuslit sa batas. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am