Driver, inutas sa harap ng kanyang mag-ina
May 23, 2005 | 12:00am
Dahil sa gitgitan sa kalye, isang tricycle driver ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng umanoy kanyang mga kapitbahay sa harap mismo ng kanyang mag-ina kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Leonardo Enriquez, 25, ng 69 San Jose Village, Q.C. matapos na magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan habang mabilis namang nakatakas ang magkapatid na suspect na sina Jerald at Greg Silangan at dalawa na hindi pa nakikilala.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa panulukan ng Road 18 Ext. at Road 23 sa Brgy. Bahay Toro.
Sakay ng kanyang tricycle ang biktima kasama ang kanyang mag-ina at papauwi na nang makagitgitan nito ang mga suspect na sakay ng kotse na Mazda na may plakang TPU-760.
Bumaba ang mga suspect at nagalit sa biktima kung saan walang sabi-sabing binaril umano ni Jerald sa dibdib si Enriquez. Hindi pa umano nasiyahan ang suspect, muli pa nitong pinaputukan ang biktima ng ilang ulit.
Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang pulisya upang madakip ang mga suspect. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended