Fetus iniwan sa simbahan

"Lord take care my baby. I know he will be at your side and bless my baby".

Ito ang mga katagang nakasulat sa isang kapirasong papel na nakalagay sa isang natagpuang fetus na lalaki makaraang abandonahin ng kanyang ina sa loob ng isang simbahan, kamakalawa sa Muntinlupa.

Dakong alas-10 ng gabi nang matagpuan ang fetus na wala nang buhay at nakalagay sa isang bote sa loob ng praying room ng Saint Jerome Parish Church sa Brgy. Alabang sa nabanggit na lungsod. May hinala ang pulisya na pinalaglag ng ina ang naturang fetus. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments