Nakilala ang mga suspect na sina Josephine Mallari, 43; Nimfa Cardenas, 22; Josefina Tanega, 32 ; Rita Amba, 44 at Gerry Cabante, 34.
Pinaghahanap naman ngayon ang kanilang lider na si Eduardo Pedrajas at isa pang kasabwat na si Tony Espileta.
Nadakip ang mga ito ng mga tauhan ng NBI-Anti Fraud and Computer Crimes Division kung saan nakumpiska sa kanila ang may 34 na piraso ng pekeng P500, P200 at P100 bill.
Sa ulat ni AFCCD chief Atty. Efren Meneses, ang naturang grupo ang mga natira sa nabuwag nilang Eduardo Pedrajas Group ilang taon na ang nakakaraan.
Nauna rito, nagsagawa ang NBI ng dalawang buwang surveillance sa Quezon City at saka isinagawa ang test buy kung saan nakabili sila kay Espileta ng mga pekeng P500 at P100 bill.
Kasunod nito ang naganap na pag-aresto sa iba pang miyembro ng grupo. Nakatakdang kasuhan ang mga nadakip. (Ulat ni Danilo Garcia)