^

Metro

Tsinoy na utak sa kidnap, timbog

-
Nadakip ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang itinuturong "mastermind" sa pagdukot sa sarili niyang pinsan na tinangka nilang patayin nang iwan sa loob ng sinementong septic tank noong taong 2001.

Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang nadakip na si Willie Lopez-Pe, 38, residente ng San Fernando, Binondo, Manila.

Si Pe ang ikalimang suspect na nadakip matapos na unang masakote ang mga kasabwat niyang sina dating C/Insp. Rodolfo Magleo ng PNP-Anti-Narcotics; Roger Magleo; at magkapatid na Antonio at Bryan Ajoc. Patuloy namang nakalalaya ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Alex Go at Abu Hakin.

Sa ulat ni Criminal Investigation Division Chief Atty. Ferdinand Labin, naganap ang pagdukot ng mga suspect sa biktimang si Lorenzo Tobiano, 19, ng Potrero, Malabon noong Agosto 2, 2001 sa tapat ng pinapasukang Araneta University.

Nanghingi ang mga suspect sa magulang ng biktima ng halagang US$1 milyon at P80M ngunit tanging P4 milyon lamang ang kanyang ibinigay sa kanila. Dahil sa kilalang personal ni Pe ang pamilya, iginiit nito ang halagang hinihingi.

Ikinulong naman ng mga suspect si Tobiano ng may isang linggo sa loob ng isang septic tank na kalahati nito ay may lamang pinaghalong ihi at dumi ng tao. Sinemento naman ng mga suspect ang bukana nito bago tumakas nang maramdamang may nagmamasid na mga pulis sa kanilang safehouse.

Hindi nawalan ng loob si Tobiano nang magtiyaga itong buksan ang bukana habang malambot pa ang semento. Nakahingi naman agad ito ng tulong sa isang truck driver.

Unang nadakip ng mga awtoridad si Rodolfo Magleo na naging sanhi ng pagkaaresto ng magkapatid na Ajoc at ni Rogelio Magleo. Nitong nakaraang Abril, may nakapagturo na nasa bisinidad ng Binondo si Pe hanggang sa maaresto ito nitong nakaraang linggo sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Benjamin Antonio ng Malabon RTC Branch 169.

Nakadetine ngayon sa NBI detention cell si Pe na nahaharap ngayon sa kasong kidnap-for-ransom. (Danilo Garcia)

ABU HAKIN

ALEX GO

ARANETA UNIVERSITY

BINONDO

BRYAN AJOC

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION CHIEF ATTY

DANILO GARCIA

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

RODOLFO MAGLEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with