^

Metro

Transferees sa mga public schools patuloy sa pagtaas

-
Sanhi ng sobrang taas ng tuition fees, dagsa ang transferees sa mga public elementary at high schools mula sa ibat-ibang kolehiyo at unibersidad sa Makati City, subalit higit na mas mabigat ang problemang kinakaharap ng mga pampublikong paaralan sa Taguig City dahil puputulan ito ng elektrisidad at tubig ngayong school opening dahil bininbin umano ng kanilang school superintendent ang pondo nito.

Ayon kay Elena Ruiz,district superintendent sa Makati malamang na tumaas pa ang bilang ng transferees mula sa pribadong mga paaralan ngayong school opening kumpara sa rumehistrong bilang noong nakaraang taon sanhi ng hindi mapigil na pagtaas ng matrikula.

Nabatid na mayroong 37-elementary at high school sa lungsod at umaabot sa mahigit 76,000 ang estudyante subalit taun-taon ay nadaragdagan ang bilang ng mga ito mula sa naglilipatang estudyante galing sa private schools.

Samantala, malamang na maputulan ng kuryente at tubig ang 21-elementary schools dahil sa pagbalewala umano ng DepEd officials sa mga hinaing ng mga guro at estudyante ng nabanggit na paaralan.

Ayon kay Dr. Evangeline Ladines, principal ng Upper Bicutan Elementary School, magiging kawawa ang mga estudyante ngayong school opening kapag itinuloy ni DepEd Taguig-Pateros Division Superintendent Rolando Magno ang paglabag sa isang memorandum kaugnay sa pagpapalabas ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) fund. (Lordeth Bonilla)

AYON

DR. EVANGELINE LADINES

ELENA RUIZ

LORDETH BONILLA

MAINTENANCE AND OTHER OPERATING EXPENSES

MAKATI CITY

TAGUIG CITY

TAGUIG-PATEROS DIVISION SUPERINTENDENT ROLANDO MAGNO

UPPER BICUTAN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with