^

Metro

Kaanak na pinaslang na misyonaryo, nangagamba sa whitewash

-
Duda ngayon ang mga kamag-anak ng pinaslang na misyonaryo sa umano’y pagtakas ng isa sa dalawang pulis na suspect sa krimen na hinihinala nilang posibleng nagkaroon ng sabwatan, kamakalawa ng umaga sa loob ng Ospital ng Maynila.

Dahil dito, inilagay na sa wanted list ng WPD ang mga suspect na sina PO2 Roman Rodriguez at PO2 Arturo Ladia, kapwa nakatalaga sa WPD-Station 7.

Si Rodriguez ang itinuturong bumaril at nakapatay sa biktimang si Luis Ferdeluces, 54, misyonaryo ng Servant Mama Mary at naninirahan sa Sta. Mesa, Maynila. Pinaslang ito noong Sabado ng gabi dahil sa pagtatalo sa gitgitan ng mga sasakyan.

Agad na nakatakas si Rodriguez, habang isinugod naman sa Ospital ng Maynila si Ladia makaraang tamaan ng bala ng baril ng una sa binti.

Sa nabanggit na ospital sinasabing tumakas si Ladia makaraang iwanan ng naka-duty na pulis na nagbabantay dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ARTURO LADIA

DAHIL

DANILO GARCIA

DUDA

LADIA

LUIS FERDELUCES

MAYNILA

OSPITAL

ROMAN RODRIGUEZ

SERVANT MAMA MARY

SI RODRIGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with